Central Luzon BANAT Online

Alternative news in Region 3, Philippines

 BAGYONG PEDRING DI PUMIGIL SA GALIT NA MAMAMAYAN RALLY SA TARLAC CITY TULOY

Hindi napigilan ng signal number 3 bagyong si Pedring ang nagngangalit na damdamin ng mga mamamayan matapos ang isinagawang protest action laban sa nakaupong alkalde at mga opisyales ng Lungsod ng Tarlac.

Umaabot sa 350 katao ang dumalo sa isinagaawang protesta ng ibat-ibang sektor sa Tarlac City laban sa di maka-masang desisyon ng mga opisyales dito sa pamumuno ni City Mayor Gelacio Manalang at mga konsehal ng naturang lungsod.

Ang protesta ay ipinakita sa isang mapayapa rally sa harap ng city hall ng mga sektor ng barangay tulad ng mga Barangay Health Workers (BHW), na nagpoprotesta sa pagkakatanggal ng kanilang 500 pisong allowances kada buwan na ibinibigay ng pamahalaang lungsod mula sa sa administrasyon ni dating alkalde Mayor Genaro Mendoza.

Nang maupong alkalde si Manalang ay ipinangako umano ito sa kanila na gagawing 700 piso subalit hindi na natupad ang pangako ay inalis pa sa kanila ang nasabing allowances na makakatulong kahit pamasahe ng mga ito sa pag-ikot sa ibat-ibang barangay sa lungsod upang gawin ang kanilang mga trabahong boluntaryo para sa kapakanan ng mga mamamayan sa barangay.

Naging sinungaling umano ang Manalang administration sa kaniyang pangako, ayon pa sa ilang mga lider na dumalo at nagsalita, “buti pa hindi na lang nangako, di wala kaming aasahan,” diin pa ng mga ito.

Nagsalita din ang barangay kapitan ng San Pascual, Tarlac City na kumukundina kay Manalang sa pagpapahirap sa kanya dahil hindi siya tao nito. Isinawalat ni Kapitan Frecy de Leon na siya umano ang lehitimong nanalo sa nakalipas na halalan, subalit ng maging matigas ang ulo niya ay ginawan siya ng paraan ni Manalang na maalis sa puwesto.

Pinagprotesta umano ang bata nitong pinaupo niya, hindi man umano siya naiimbitahan sa hearing ng protesta sa City Court ay idineklara nang panalo ang bata ng alkalde. Sa ngayon anya ay pinaboran siya ng Comelec Manila subalit hindi pa rin siya pinauupo at kinikilala ni Manalang. “Nananawagan ako sa mga Kapitan, na sana ay ako na ang huling gawing biktima ni Mayor Manalang at wala na umanong susunod pa sa kanya,” talumpati ito ng maluha-luhang si DeLeon sa rally habang kasagsagan ang buhos ng ulan ng bagyong si Pedring.

Kinondena naman ng panig ng mga miyembro ng Tarlac City Downtown Market Vendors Association sa pamumuno ni Jess David si Manalang dahil ibenebenta daw nito ang kalahati ng downtown Market sa Massway Supermarket. Maraming manininda ang apektado rito na aalisin sa puesto at dadalhin sa kalsada o sidewalk at ang mga lehitimong maliliit na manininda sa nasabing palengke ay maaaring magsara dahil itatabi sa kanila ang dambuhalang negosyo.

Nagbabala ang City Government na sa katapusan ng buwan ng Setyembre ay salipitang aalisin ang mga may-ari ng stall sa pamilihang bayan at ilalagay ang malaking supermarket na papatay sa kanilang negosyo, ayon sa mga vendors.

Kinondena ni David si Manalang at mga miyembro ng City Council sa proyektong ito dahil hindi man lamang nagkaroon ng Public Hearing o marining man lamang o makita ang plano ng pamahalaang lungsod ukol sa bagay na ito.

“Kaya itinatago ng mga 'yan, ang plano marahil ay may kita diyan, ipakita n'yon ang inaprobahang ordinansa pati ang kontrata, bakit ninyo itinatago?” diin pa ni David.

Samantala nag-over-acting naman ang miyembro ng kapulisan ng Tarlac City, matapos ipapatay nito ang sound system at tinakot ang operator na huhulihin kungdi papatayin ang sound system. Nakilala ang nanakot na lider ng civil disturbance team na si P/Insp. Joshua Gonzales.

Galit na galit ang mga ralista dahil ang mapayapa at tahimik nilang pamamahayag ay biglang nagkaroon ng tensiyon ng dumating ang 21 mga naka-helmet, truncheon at may batutang mga pulis. Nagsigawan tuloy ang ilan sa mga ito, ng mga katagang “puro kami mga babae, hindi naman kami lalaban sa inyo, gusto lamang naming iparating ang aming hinaing sa mga city officials, alis kayo diyan mga sipsip.”

Matapos ang mahigit dalawang oras na pagtatalumpati sa harap ng city hall ay mapayapang lumisan ang mga ralista at naiwan ang mga nag-overting na mga pulis na silang naging sanhi ng pagsisikip ng trapiko dahil lumagay sila mismo sa gitna ng kalsada.

Ayon sa mga ralista pasimula pa lamang ito ng kanilang sunod-sunod na gagawing rally laban sa kontra masang Manalang administration.

Kung puwede ay gagawin nila ito buwan-buwan, hanggang hindi sila pinapansin ay kinakausap ng mga city officials ukol sa mga isyung kanilang ipinaglalaban.

Nanawagan naman si David kay Pangulong P'noy na bago sana siya maglinis ng iba ay linisin muna niya ang mga kalat sa kanyang sariling bayan na ang tinutukoy ay ang mga city officials ng Tarlac City.

Bago nagsimula ang rally ay puro pananakot ang marinig sa mga tiga-pagsalita ni Manalang sa dalawan ghimpilan ng radyo sa Tarlac na tatanggalin ang mga BHW na sasama sa rally, nanakot pa rin ang mga ito at mismong sa labi ng alkalde nagmula na ipapahuli niya ang mga sasama sa naturang rally.

Subalit sa kabila nito ay hindinatigatig ang mga ralista sa mga pagbabantang ito, unti-unti ang mga itong nagpuntahan, sa Ninoy Aquino Plazuela mula alas siyete y media ay halos mapuno ang covered court ng plaza.

Ipinasara rin ni manalang ang nasabing plaza, subalit naunahan na sila ng mga ralista sa loob, halos lahat ng pulis at mga city enforcer ay nakabantay sa mga ralista bukod pa sa mga naka-sibilyang pulis at mga tauhan ng city hall ay ipinakalat sa lugar.

Matatandaan na, isa sa mga programa sa radyo ang “Usapang Barangay at iba pa” ang sumbungan ng bayan laban sa hinaing nito sa pamahalaang lungsod. Subalit dahil sa impluwensiya at pananakot ni Manalang sa lokal na himpilan ay sinibak ito kamakailan.

Dahi dito, wala nang outlet ang mga may sentimiyento sa City Government of Tarlac kaya naglunsad sia ng isang rally na nasabay sa bagyong si Pedring.

NATURAL TARLAC JINGLE   

 

LINKS

            NEW FeDACOR Website